“There are some people who live in a dream world, and there are some who face reality; and then there are those who turn one into the other.”
Douglas H. Everett quotes
May dalawang mag-asawa na masayang namumuhay a Baranggay Tagumpay,Gabaldon,Nueva Ecijana sina Dominga at Epegenio S.Cebu . Biniyayaan sila ng apat na supling,isang lalaki at apat na babae na sina Marjorie Tangliben, Epegenio Cebu JR, Lampel Cebu at ako. Ako si Jerrica S. Cebu 19 taong gulang na ,pinanganak ako noongika 29 ng Desyembre taong 1991 sa lungsod ng Cabanatuan at kasalukuyang kinukuha ang Bachelor ofSecondary Education Major in Social Studies na nasa ikatlong taon na ng kolehiyo sa Central Luzon State University Science City of Munoz Nueva Ecija.
Katulad ng ibang tao may kinatatakutan at kinahihiligan din akong gawin.Mahilig akong mnuod ng CD katulad ng azumi, naked eye, resident evil, twilight, lord of the ring, harry potter, vampires knight, fushigi yugi, gundam seed, fulmetal panic, inuyasha, blood plus, etc. Mahilig din akong mag sulat nang diary dahil sa pamamagitan nito naiilabas ko ang mga sama ng loob ko, hinanaing, o kaya naman ay kapag may malungkot o masayang nangyari sa buhay ko. Takot ako sa ahas, higad, butiki, ipis, at multo dahil minsan ko na itog napatunayan at higit sa lahat takot akong maiwang mag isa sa buhay.
Sa aming mag kakapatid dalawa lamang kami ng ditshe ko na wala pang asawa kaya naman sobra nila kaming hinigpitan lalo na tungkol sa mga lalaki “huwag muna kayong mag bofriend,mag aral muna kayo” ang laging sinasabi ng aming mga magulang. Simula pag kabata hanggang high school eskuwelahan at bahay lamang ang aking routine sa araw araw pero pag kagraduate ko nung high school napag desisyunan ko na mag aral malayo sa kanila upang matutunan kong makisalamuha sa ibang tao, mag desisyon para sa aking sarili sa napili kong propesyon tugo sa pang hinaharap.
Simple lamang ang aming pamumuhay kaya naman nahulma ako bilang simpleng tao,may takot sa diyos,may paninindigan,maaalahanin,mapag mahal,at maarugang anak pero may mataas na pangarap.Pangarap kong makapag tapos ng pag aaral at makapag trabaho para maiahon ko sa hirap ang aking pamlya at para makatulong sa paglutas ng mga suliranin sa ating bansa tungo sa kaunlaran sa pamamagitan ng pagtuturo ng tama sa mga estudyante.Gusto kong mapalawig ang kanilang kaisipan tungkol sa ikabubuti ng ating lipunan at kung ano ang tama at malidahil sila ang susunod na henerasyong babago sa ating kamunduhan.
Sa ngayon ay nag sisimula palamang ako at tatapusin ko itong may ngiti sa labi.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento